HOMEROOM GUIDANCE QUARTER 1 MODULES JHS G7-G10, SHS G11-G12

 Homeroom Guidance

 Quarter 1 – Module 1

 Gabay sa Magulang/Tagapag-alaga 


    Nagdulot ng napakaraming pagbabago sa pamumuhay ng bawat Pilipino ang pandemyang nararanasan ng buong mundo. Sa gitna nito, ang Department of Education ay kaisa ng inyong tahanan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng lahat ng mag-aaral sa buong Pilipinas. Dalawa sa mga pamamaraang ito ang paghahanda ng Leaning Continuity Plan at ng Most Essential Learning Competencies (MELCs). Sa taong ito, inihanda ang Homeroom Guidance During Crisis MELCs na naglalayong matulungan ang inyong mga anak upang maipagpatuloy ang pagkatuto sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng pandemya. 

       Ang Homeroom Guidance (HG) ay naglalayong maituro ang mga kasanayan sa buhay o life skills sa pamamagitan ng self-directed learning modules. Nakatuon ito sa tatlong mahahahalagang domeyn, ang academic, personal-social at career development. Binigyang-pokus sa Homeroom Guidance MELCs ang mga gawaing makatutulong sa lahat ng mga mag-aaral na magkaroon ng Rasyunal na Pag-iisip (Rational Thinking), Malusog/Maayos na Pag-uugali (Healthy Behavior) at Positibong Disposisyon (Positive Disposition) na higit na kailangan sa panahong ito. Malaki ang gampanin ng mga magulang upang mapagtagumpayan ang mga gawaing nakalatag dito. Kakailanganin ng mag-aaral ang inyong patnubay at gabay sa modyul na ito. Kung kaya, hinihingi ng Kagawaran ang inyong suporta upang mapagtagumpayan ng mag-aaral ang mga hamon sa buhay, maisakatuparan ang mga inaasahang gawain at higit sa lahat, matutuhan ang mga kasanayan sa buhay na kailangan nilang taglayin sa yugtong ito. Ito ay naglalayong paunlarin ang mga gawi at pamamaraan sa pag-aaral. 

    Lubhang mahalaga ang modyul na ito lalo sa panahon ngayon ng pandemya kung saan gagamit ng alternatibong pamamaraan sa pagkatuto ang mga kabataan ng hindi nangangailangan ng pisikal na presensya sa paaralan. Mahalagang patatagin ang magagandang gawi ng mag-aaral gayundin ang mga isinasagawa niyang pamamaraan sa pag-aaral. 

    


Inaanyayahan po ang mga miyembro ng pamilya na makilahok sa mga gawain sa modyul na ito na nangangailangan ng inyong partisipasyon tulad na lamang ng mga naoobserbahan ninyong gawi mag-aaral. Hikayatin ang ibang mga anak na makilahok sa gawaing nabanggit. Mangyaring tulungan ang mag-aaral upang maisagawa ang mga itinakdang gawain para sa modyul na ito. Siguraduhing may magagamit siyang kagamitan. Isa rin itong magandang pagkakataon upang magkaroon ng interaksyion ang mga miyembro ng pamilya. Ang inyong suporta at paggabay ay napakalaking bagay. Tiyakin na sasagutin ng mag-aaral ang bawat bahagi ng modyul at siguraduhing maipapasa sa gurong-tagapayo ang natapos na mga gawain



Junior High School
Grade 8 Q1 Module 1 Week 1&2             
Grade 9 Q1 Module 1 Week 1                        
      
Senior High School 
Grade 11 Q1 Module 2                       
Grade 12 Q1 Module 3                    

Comments

  1. Ma'am I'm roanna tangca signing for attendance po

    ReplyDelete
  2. Mam Joy G.Dumelod parent of Fionah Anne G. Dumelod Grade 10Kalantas signing for the attendance

    ReplyDelete
  3. Mam Fredalyn Joy B. Ila parent of Darwin Emmanuel B. Ila Grade 8-Galileo signing for the attendance

    ReplyDelete
  4. Maam Jasmine A. Valdez 11 IVORY signing for the attendance

    ReplyDelete
  5. Mam Rodalyn Rodolfo po attendance po grade 8 peacock po

    ReplyDelete
  6. mam Ashley Berlon
    8 dove
    signing for the attendance

    ReplyDelete
  7. Grade 8 Dove
    Signing for attendance mam

    ReplyDelete
  8. Naethan Seth G. Lumidao
    8-Falcon
    Signing for attendance

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

HOMEROOM GUIDANCE GRADE 10- QUARTER 1 MODULE 2 WEEK 2

DEPED MEMORANDUM: POLICY GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF THE HOMEROOM GUIDANCE DURING CRISIS SITUATION

HOMEROOM GUIDANCE GRADE 11 QUARTER 1 MODULE 2 WEEK 2